-- Advertisements --
Lalo pang dumami ang bilang ng lugar na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa nararanasang El Niño phenomenon.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Ricardo Jalad may apat na nadagdag sa kanilang listahan ng mga lugar na apektado ng dry spell.
Kabilang na rito ay ang Occidental Mindoro, Camarines Sur, Cebu province, at Cotabato City.
Sa ngayon, sinabi ni Jalad, na pumalo na sa P5 billion ang halaga ng pinsalang naidulot ng El Niño phenomenon sa mga pananim.