-- Advertisements --

Mas pinalawak pa ng Russia ang kanilang ginagawang pag-atake sa mga lungsod ng Ukraine.

Base sa report, lumipat na sa kanluran patungo sa bagong teritoryo ang Russian forces.

Kabilang na sa inatake nila gamit ang missile ay ang western cities ng Lutsk at Ivano-Frankivsk.

Binomba rin nila ang central-western stronghold ng Dnipro sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang pagsalakay mahigit dalawang linggo ang nakalipas.

Nauna nang lumabas ang balita mula sa Ukraine’s ministry of defence na ang mga Ukrainian prisoners of war ay nilalapitan upang lumaban para sa mga Russian forces, dahil sa pangangailangan na palitan ang mga naubos na yunit sa timog-silangang rehiyon ng Rostov.

Idinagdag nito na ang Russia ay lumilitaw na kumuha ng mga “enlist” kahit na ang mga walang karanasan sa militar.

Samantala, mariing itinanggi naman ni Ukrainian Presidente Volodymer Zelensky ang paratang ng Russia na ang Ukraine ay gumagawa ng mga chemical weapons.

Tinawag ng US na “katawa-tawa” ang mga nasabing pahayag, at sinabing ang mga ito ay “false flag” upang bigyang katwiran ang potensyal na paggamit ng Russia ng mga katulad na armas laban sa Ukraine.

Napag-alaman na ang mga usapang pangkapayapaan sa pagitan ng mga foreign minister ng Ukraine at Russia sa Turkey ay nagtatapos nang walang anumang progreso patungo sa isang ceasefire.