-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng pambansang pulisya na “contained” na ngayon ang lugar kung saan posibleng nagtatago ang pitong natitirang bandidong Abu Sayyaf na mga kasamahan ng nasawing ASG sub-leader na si Muammar Askali alias Abu Rami na target ngayon sa hot pursuit operations ng militar at PNP.

Ayon kay PNP spokesperson C/Supt. Dionardo Carlos, na patuloy na tinutukoy ng mga imbestigador sa Bohol ang dahilan ang pagkasawi sa dalawang sibilyan na nasawi sa labanan sa Inabanga, Bohol.

Sinabi ni Carlos na unti-unti ng bumabalik sa normal ang sitwasyon sa lugar habang nagpapatuloy ang manhunt operations.

Nag-deploy naman ang PNP ng mga mobile forces na siyang tumutulong ngayon para manumbalik ang normalcy lalo na sa Inagbanga.

Umaasa naman ang PNP na maaresto na sa lalong madaling panahon ang pito pang ASG members na nakatakas sa operasyon ng militar.