CAUAYAN CITY – Nakatakdang bakbakin ng pamunuan ng Public Order and Safety Division (POSD) ang ipinatayong lugawan na tumakip sa street marker ng Quezon at Ipil street, Cauayan City .
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, tinawag ni POSD Chief Pilarito Mallillin na insulto sa mga opisyal ng pamahalaang lunsod ang ginawa ng may-ari ng lugawan.
Ayon kay POSD Chief Mallillin na hindi na makita ang street marker dahil natatakpan na dahil sa ipinatayong lugawan.
Anya binigyan na ng ultimatum ng LGU Cauayan ng hanggang ngayong Biyernes na lamang UPANG alisin ang mga bagay na nakaharang sa street marker ng Quezon at Ipil Street.
Kapag hindi anya natanggal ang mga konkretong nakaharang ay babakbakin na nila ito makaraang humingi na ng permit to demolished kay Acting City Administrator Atty. Eman Marquez
Samantala, nauna nang inihayag ni OIC City Administrator Atty. Marquez ng Cauayan City na kaagad nilang tinugunan ang idinulog na usapin ng POSD na idinaan sa due process at binigyan ng ultimatum para tanggalin ang nakaharang sa nasabing street marker.
Kapag hindi anya sumunod ang nagpatayo ng lugawan sa nasabing lugar ay mahaharap sa kaukulang kaso.