Inamin ni NBA commissioner Adam Silver na lumalaki na umano ang lugi ng liga dahil sa ipinakitang suporta ni Houston Rockets GM Daryl Morey sa anti-government protesters ng Hong Kong.
“The losses have already been substantial,” wika ni Silver. “Our games are not back on the air in China as we speak, and we’ll see what happens next.
“I don’t know where we go from here. The financial consequences have been and may continue to be fairly dramatic.”
Sinagot din ni Silver ang mga batikos ukol sa inisyal na pahayag ng NBA tungkol sa mga tweet ni Morey, kung saan napapaloob ang salitang “regrettable.”
Umani kasi ito ng kaliwa’t kanang pag-alma mula sa ilang mga personalidad, na mistula raw yumuyuko ang NBA sa demands ng Chinaa imbis na panigan ang kalayaan sa pamamahayag ni Morey.
Paliwanag ni Morey, ginamit ang salitang “regrettable” bilang tugon sa reaksyon ng gobyerno ng China, at hindi sa mismong tweet.
“Maybe I was trying too hard to be a diplomat,” ani Silver. “I didn’t see it as my role as the commissioner of the NBA to weigh in on the substance of the protest.”
Iginiit din ng liga sa kanilang komento na suportado nila ang karapatan ni Morey na maghayag ng kanyang opinyon ukol sa anumang isyu.
“We made clear that we were being asked to fire him, by the Chinese government, by the parties we dealt with, government and business,” sambit ni Silver. “We said there’s no chance that’s happening. There’s no chance we’ll even discipline him.”
Kung maaalala, makaraang lumabas ang tweet ni Morey, kinansela ng state television ng China na CCTV ang mga planong pag-ere ng dalawang exhibition games na gaganapin sana sa China.
Pinutol din ng ilang mga kumpanya at tanggapan ang kanilang ugnayan sa NBA.