-- Advertisements --

Naniniwala si Socioeconomic Planning director general Karl Kendrick Chua na aabutin ng P41.4 trillion ang malaking lugi ng ekonomiya ng Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic.

NEDA CHUA
Socioeconomic Planning director general Karl Kendrick Chua

Ginawa ni Sec. Chua ang pahayag sa kanyang pagharap sa virtual business outlook forum ng Economic Journalists’ Association of the Philippines (Ejap).

Paliwanag ng kalihim, ang epekto ng long term cost sa naturang crisis sa mga susunod na dekada ay dahil nabawasan ang consumption at pumasok na mga investments, gayundin ang epekto sa physical distancing.

Ang ibig sabihin nito, ang mga venues o mga pagtitipon na dati ay jampacked ay nawala na kaya naman naibsan din ang kita sa mga negosyo at demand.

“The long-run total cost of COVID-19 and the quarantines to present and future society is estimated at P41.4 trillion (in NPV term),” ani Sec. Chua sa kanyang presentation. “Consumption and investment will be lower in the next 10 years due to lower demand in sectors that require social distancing.”

Tinukoy pa ng NEDA chief na nitong nakalipas lamang na taon, umabot na sa P4.3 trillion ang nalugi sa ekonomiya ng Pilipinas.

NEDA 1

Kaya naman malaking bagay aniya na mula sa umiiral ngayon na Alert Level 3 at ibaba pa sa Alert Level 2 sa mga susunod na buwan ay medyo gaganda na ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas na aabot ng hanggang P10.3 billion kada linggo.

Nangangahulugan din ito ng pagkabawas ng walang mga trabaho ng hanggang 43,000 bawat linggo.

Kung isasama pa raw ang mga lugar na nasa labas ng Metro Manila mababawasan din ang walang mga trabaho ng hanggang sa 56,000 kada linggo.