-- Advertisements --
Pumalo na sa $320 billion ang pagkalugi ng global tourism sa unang limang buwan ng 2020 dahil sa coronavirus pandemic.
Ayon sa World Tourism Organization, ang pagkalugi ay tatlong beses na mas malala noong 2009 financial crisis.
Aabot naman sa 300 million ang ibinagsak ng tourist arrivals sa buong mundo matapos ang pagpatupad ng travel restrictions para mabantayan ang pagkalat ng coronavirus.
Sinabi ni WTO secretary general, Zurab Pololikashvili, na mahalagang simulan na muli ng mga bansa ang pagbubukas ng mga turismo para hindi na lumala pa ang pagkalugi.
Pinag-iingat na rin nito ang mga bansa sa pagbubukas ng turismo at dapat ay mapagmatyag sila para matiyak na hindi na kakalat pa ang virus.