-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umaabot sa higit P762,579,500 ang lugi sa industriya ng pagbababoy sa Western Visayas dahil sa African Swine Fever.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dennis Arpia, Regional Executive Director ng Department of Agriculture Western Visayas, sinabi nito na 79,376 na mga baboy sa rehiyon ang na-depopulate.

Ayon kay Apria, nangunguna ang Capiz na pinaka-apektado ng sakit ng baby na umaabot sa P428,805,000.

Pangalawa ang Negros Occidental na may lugi na P162,607,500; pangatlo ang Iloilo na may P124,850,000; Aklan na may P23,350,500; at panghuli ang Antique na may P19,291,500.

Sa ngayon anya, sinisikap ng mga hog raisers na makabangon sa tulong na rin ng ahensya.

Napag-alaman na isa ang Western Visayas sa mga nangungunang rehiyon sa bansa na pinakamalaking supplier ng baboy sa bansa.