BAGUIO CITY – Aabot na sa P300-million ang naitalang lugi sa sektor ng turismo sa bayan ng La Trinidad, Benguet.
Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio kay Mayor Romeo Salda, sa isang buwan lang ay malaki na ang pagkalugi nila dahil pa rin sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Sinabi niya na naglaan sila ng P1.5-milyon bilang tulong sa mga naapektuhang establisyimento gaya ng mga restobars at mga computer shops.
Sa ngayon, ginagawa nila ang lahat para makabawi sila habang nagpapatuloy naman ang pagbibigay nila ng tulong sa mga naapektuhang negosyo.
Pinaghahandaan naman ng nasabing bayan ang pagbubukas ng kanilang turismo dahil may binubuo ang mga ito na tourism plan.
Posible rin na magbubukas ang turismo doon kung magbubukas ang turismo sa Baguio City dahil inaasahan din na tutungo ang mga turista doon lalong-lalo na sa kilalang strawberry farm sa nasabing bayan.