-- Advertisements --
Screenshot 2020 07 04 13 41 56

VIGAN CITY – Aabot na umano sa P1 bilyon ang lugi sa sektor ng turismo sa Vigan City mula noong magsimula ang lockdown noong March bunsod ng Coronavirus diseae 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa ekskluisbong panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Mayor Juan Carlo Medina, isa ngayon ang nasabing bagay sa ikinababahala nila dahil tinatayang P250 hanggang P300 milyon ang nawawala kada buwan.

Dahil diyan, agad naman silang kumikilos at nakikipag-ugnayan sa mga iba pang stakeholder sa siyudad upang mapag-usapan kung ano ang mga hakbang o mga programa na kanilang ilulunsad upang mabuhay muli ang tourism sector at kung paano maipo-promote ang siyudad sa mga turista.

Samantala, hinihintay naman ng city government kung ano ang mga bagong panuntunang ipapatupad ng Department of Tourism (DoT) kasabay ng pagsasailalim sa probinsiya ng Ilocos Sur na low risk modified general community quarantine.