Hindi bababa sa $3.3 trillion ang lugi ng sektor ng turismo sa buong mundo.
Ayon sa inilabas na ulat ng The United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD) nangunguna sa listahan ang US na may pinakamatinding naapektuhan ang turismo dahil sa coronavirus pandemic.
Sa kanilang listahan ng COVID-19 and Tourism, nakabase ito sa tatlong senaryo sa lockdown measures mula 4 months, 8 months at 12 months.
Sa nasabing scenariors ay babagsak ng $1.17 trillion, $2.22 trillion at $3.33 trillion ang magiging lugi sa bawat apat na buwan na lilipas.
Aabot kasi sa $187 billion ang lugi ng US sa nakaraang apat na buwan na sinundan ng China na mayroong $105 billion, sumunod naman ang France at Thailand na kapwa mayroong lugi na hindi bababa ng $47 billion.
Nakasaad sa ulat na mula ng ipatupad ang nasabing lockdown ay maraming mga tourist destinations sa buong mundo ang nagsara.