-- Advertisements --

Ikinasal na sa simbahan sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa nitong Pebrero 15 sa Club Paradise sa Coron, Palawan na pinangunahan ni Father Tito Caluag.

Dumalo ang mga kaanak ng dalawa kabilang ang ina ng actor na si star-for-all season actress Vilma Santos at ama nitong si Edu Manzano at step father nito na si Finance Secretary Ralph Recto.

Labis na ikinatuwa ng actress ang pagdalo ng buong pamilya niya dahil sa hindi sila nakadalo noong isinagawa ang civil wedding ng dalawa noong 2021.

Kabilang sa dumlao ay ang mga malalapit na kaibigan at mga kaanak ng dalawa.

Bumuhos naman ang pagbati sa social media ng dalawa ng malaman na natuloy na ang kanilang church wedding.