-- Advertisements --

Hindi na isinama ng National Bureau of Investigation (NBI) na sampahan ng kaso ang tv host na si Luis Manzano.

Nitong Miyerkules kasi ay nagsampa ng kasong syndicated estafa ang NBI laban sa Flex Fuel Corporation.

Kabilang sa sinampahan ng kaso ay ang pangulo ng kumpanya na si Ildefonso Medel Jr at 11 isa pa.

Ang actor kasi na dating co-owner at chairman ng kumpanya ay unang lumapit sa NBI noong Setyembre.

Isinumbong ng actor na bigo ang kumpanya sa kanilang obligasyon sa mga co-owners at investors.

Inireklamo rin ng actor ang nasabing kumpanya noong Nobyembre kung saan may pagkakautang sa kaniya ang kumpanya ng aabot sa P66-milyon.

Itinanggi naman ng Flex Fuel ang insidente na sila ay scammer at may mga panglolokong nagaganap.

Naging bukas aniya ang kumpanya sa kanilang mga investors at ang pinalayas lamang nila na mga shareholders ang naninira ng kanilang pangalan.