Binuhat ni Luka Doncic ang Dallas Mavericks para patumbahin ang Orlando Magic sa score na 108 – 85.
Muling gumawa ng all-around performance ang tinaguriang Luka Magic at nagbuhos ng 32 points sa loob ng 32 mins na paglalaro. Umagaw din siya ng 9 rebounds at pitong assists.
Naging malamiya naman ang opensa ng dalawang All-Star na kasama ni Magic na sina Klay Thompson at Kyrie Irving: 9 points para kay Klay habang 17 points kay Kyrie.
Maging ang back-up point guard na si Spencer Dinwiddie ay walang nagawang puntos sa loob ng 16 mins na paglalaro.
Sinamantala ng Dallas ang hindi paglalaro ni Magic forward Paolo Banchero at ang napakalamiyang opensa ng koponan. Umabot lamang sa 13 points ang pinakamataas na individual score ng Orlando sa katauhan ni Franz Wagner.
Sa Dallas, tanging si Luka ang ibinabad ng mahigit 30 mins. Hindi naman tumigil si Luka at tinambakan ang kalabang koponan ng 23 big points.
Apat na panalo na ang hawak ngayon ng Dallas habang tatlong panalo naman ang ibinulsa ng Orlando.