-- Advertisements --

Hindi umubra ang Miami Heat sa Dallas Mavericks, 93-83.

Muling bumida sa Mavs si Luka Doncic, na may 27 points at 14 rebounds.

Habang tumulong sa kanya si Tim Hardaway Jr. gamit ang 18 points.

Mavs Luka Doncic
Photo from @dallasmavs

Sa ngayon parehas na ang Mavs at Miami na merong dalawa ang panalo at tatlo ang talo.

Nakabawi ang Mavs mula sa pagkatalo nila nitong nakalipas na araw sa Hornets.

Nagbalik na rin sa paglalaro sa Heat si Jimmy Butler pero dalawa lamang puntos ang naiambag sa kanyang 27 minutes na paglalaro.

Nasayang naman ang diskarte ni Bam Adebayo na nagbuslo ng 19 at si Avery Bradley na nagtapos sa 15.