Nagbuhos ang NBA superstar na si Luka Doncic ng career high na 51 big points upang itumba ng Dallas Mavericks ang Los Angeles Clippers, 112-105.
Hindi inalinta ng Mavs ang pagkawala ng kanilang big man na si Kristaps Porzingis na pinakawalan ng team para humabol sa deadline at mailipat ng ibang koponan para sa trade.
Sa tindi ng init ng kamay ni Doncic sa first quarter pa lamang ay nagpakawala na ito ng 28 points hanggang sa hindi na ito nagpaawat pa.
Umabot din sa pitong 3-point shots ang kanyang naipasok.
Para naman sa LA nagkasya na lamang sila sa balanced scoring sa pangunguna ni Marcus Morris Sr. na may 21 points, si Norman Powell na nagpakita ng 19 at Reggie Jackson ay nagtapos sa 18.
Sa Linggo ay may pagkakataon na makaganti ang Clippers sa kanilang rematch.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik ang mga superstars ng Clippers dahil sa injuries na sina Paul George at Kawhi Leonard.