-- Advertisements --

Papalitan ngayon ni Luka Doncic mula sa Dallas Mavericks patungo sa Los Angeles Lakers si Anthony Davis para sa isang blockbuster trade.

Makakasama ni Doncic sina Maxi Kleber at Markieff Morris pupunta sa Lakers, habang sina Davis at Max Christie naman ay pupunta sa Dallas. Hinihintay pa ngayon ang pag-apruba ng NBA.

Kasama rin sa naturang trade ang Utah Jazz, kung saan si Jalen Hood-Schifino at dalawang draft picks ay mapupunta sa Utah.

Ang balita tungkol sa trade ay lumabas pagkatapos ng panalo ng Lakers laban sa New York Knicks, kahit na wala si Davis sa laro dahil sa abdominal injury na natamo nito.

Simula noong Christmas ay hindi pa nakakapaglaro si Doncic dahil sa calf strain, habang hindi pa rin ito nakakapaglaro sa Mavericks.

Ang trade na ito ay magbibigay kay Doncic ng bagong kakampe kagaya ni LeBron James sa Lakers, habang si Davis naman ay makikipagtulungan kay Kyrie Irving sa Dallas.

Ang balita ng trade ay nagdulot ng pagkabigla sa mga fans at mga manlalaro, at may mga nagtatanong kung ano ang dahilan ng biglaang pagpapalit.

Hindi pa malinaw sa ngayon kung kailan makakalaro sina Doncic at Davis para sa kanilang bagong mga koponan, dahil parehong may mga iniindang injury at wala pang tiyak na petsa ng kanilang pagbabalik sa NBA.