-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Mapayapang naisagawa kagabi dito sa lungsod ng Butuan ang Luksang Bayan peace rally o National Indignation Rally kasabay ng pagbalik-tanaw sa ika-52 anibersaryo sa deklarasyon ng martial law.

Pinangunahan ito ng grupong Maisug na isinagawa din sa ibang mga lugar sa bansa gaya sa Liwasang Bonifacio sa Manila, Plaza Independencia sa Cebu City, Surigao City, Bislig City at iba pa.

Dito sa Butuan City, isinagawa ito sa Brgy. Libertad kungsaan tinalakay ng mga speakers ang mga nangungunang isyu sa komunidad na naka-apekto na sa mamamayang Pilipino dahil sa hindi pagtutok ng administrasyon sa totoong problema ng bansa na resulta sa mag pagbibigay prayuirdad sa isyu ng pulitika.