-- Advertisements --

Nakipagpulong sa kampo crame ang ilang mga Lumad leaders na galing pang Mindanao kay PNP chief PDGen. Oscar Albayalde at tahasang itinanggi na sila ay mga miyembro ng New Peoples Army (NPA).

Hiling ng mga ito kay PNP chief na protektahan sila laban sa ginagawang karahasan ng CPP-NPA, kaya nais sana ng mga ito na armasan ang kanilang mga sarili.

Sinabi ni PNP chief na walang masama kung aarmasan ng mga ito ang kanilang mga sarili bilang proteksiyon pero dapat legal ang pagbitbit nila ng mga armas.

Ayon pa sa mga lider ng katutubo ginagamit ng NPA ang mga batang lumad sa para lumahok sa rally dito sa kalakhang Maynila.

Ibinunyag ng mga ito na pinapatay ng mga NPA ang kanilang mga lider kapag hindi sumapi sa komunistang grupo.

Isinumbong ng mga ito kay Albayalde na ginagamit ng mga NPA ang Lumad schools na tinatawag na “Salupungan” para turuan ang mga kabataan na mag aklas laban sa gobyerno.

Nagpahayag naman ng kahandaan ang PNP para tugunan ang hinaing ng mga Lumad.