BUTUAN CITY – Kinumperma ni John Mark Arquiza, sa Coast Guard sub-station-Cantilan na may sakay na mga New Zealanders ang tourist boat na tumaob matpos nitong makabanggaan ang isang motorbanca sa karagatan ng Cantilan, Surigao del Sur nitong Enero 3, 2025.
Ayun sa opisyal, wala casualty sa nasabing insidente, ngunit meron lang umanong dinala sa Hospital dahil sa mga natamong sugat.
Mabilis aniya ang takbo sa motorbanca na may kargang mga plywood at nipa papuntang General Luna, at hindi nito nakita ang bangkang puno ng torista. Hindi na na naagapan pa sa kapitan ng tourist boat ang sitwasyon dahil sa sobrang bilis umano ng kasalubong nitong bangka, kung kaya’t tuluyan itong nagkabangaan.
Maswerte naman at agad itong nakita ng nagpatrolya na grupo ng Coastguard sa Cantilan sub-station kung kaya’t wala pang 10-minuto ay na-rescue na ang lahat nang 23 ka mga indibiwal pati na rin ang 16 na mga pasahero.
Nagkaayos naman ang dalawang panig at nagkasundo na kanya-kanya nalang ito ng gastos sa nasirang mga bangka.