-- Advertisements --
Salvador Panelo
Pres. Spokesman Salvador Panelo/ FB image

Walang nakikitang problema ang Malacañang sa paglalaan ng malaking pondo para sa intelligence gathering ng Office of the President (OP).

Magugunitang nakapaloob sa 2020 proposed national budget na P8.28 billion ay nakalaan para sa surveillance kung san sa halagang ito, P4.5 billion ay allotted sa ilalim ng Office of the President para sa intel at confidential expenses.

Sinabi Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat naman talagang malaki ang pondong ilaan sa OP dahil mahirap ang pagtitiyak sa seguridad ng bansa kaya kailangan ng resources para matukoy ang mga banta sa Pilipinas at para na rin sa mga kakailanganing makinarya, teknolohiya at mga eksperto.

Tiniyak naman ni Sec. Panelo na hindi ito mauuwi sa koruspyon lalo mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang komokontra sa katiwalian.