-- Advertisements --

Nakakita ang Philippine Coast Guard (PCG) ng leaks sa lumubog na motor tanker (MTKR) Jason Bradley.

Ang 39-meter na motor tanker ay lumubog sa katubigang bahagi ng Barangay Cabcaben, Mariveles, Bataan nitong Sabado ng hapon.

May karga ito ng hindi malamang dami ng diesel.

Nananatili ito sa ilalim ng 9 metro at nasa layong 600 yarda mula sa pantalan.

Tinakpan na ng mga divers ng Coast Guard ang leak at gumagawa na sila ng paraan para mtanggal ang laman nitong diesel.

Nagsasagawa na sila ng imbestigasyon ukol sa nangyaring insidente.

Una kinumpirma ng Coast Guard na nagleak din ng industrial fuel oil ang lumubog na cargo tanks na M/T Terra Nova sa karagatan din ng Bataan.

Ang Terra Nova na lumubog noong Hulyo 25 ay may dalang 1.4 milyon na litro ng industrial fuel oil kung saan isa sa 17 mga crew nito ay natagpuang patay.