-- Advertisements --

Natagpuan na ng mga awtoridad ang lumubog na oil tanker na MT Princess Empress na nasa 7.5 nautical miles mula sa Balingawan point na nakaharap sa may Pola, Oriental Mindoro.

Ayon kay Oriental Mindoro Gov. Humerlito Dolor, kinumpirma ito ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga habang isinasagawa ang inter-agency meeting.

Nangako naman sang kinatawan ng kompaniya na nagmamay-ari ng MT Princess Empress na si Engr. Dennis Futalan ng kanilang commitment para matugunan ang cleanup at ma-contain ang oil spill,

Ang kompaniya ay nakikipagtulungan na rin samga eksperto kaugnay na fields para makapaglatag ng kaukulang mga plano ang aksiyon para sa shoreline at offshore response.

Matatandaan na lumubog ang naturang oil tanker na naglalaman ng 800,000 litro ng industrial oil sa may karagatan ng Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28 matapos na magkaaberya sa makina nito.

Noong Marso 4, nagpadala ng dalawang mapping vessles mula sa National Mapping and Resource Information Authority upang matukoy ang eksaktong lokasyon ng lumubog na vessel.

Una ng sinabi ng DENR na mahalagang matukoy ang lokasyon ng vessel para matulungan ang mga awtoridad na matukoy ang lugar na apektado kabilang na ang mga marine protected areas dahil sa tumagas na langis.