Natagpuan na ang nawawalang Navy submarine ng Indonesia kung saan patay na rin ang 53 crew nito.
Ayon kay Indonesia military commander Air Chief Marshal Hadi Tjahjanto, nakita ang KRI Nanggala-402 submarine na lumulutang ng dalawang milya mula sa huling nakita ang nasabing submarine sa Bali Strait.
Gumamit sila ng Rigel warship na may sonar ang gumagamit ng sound waves para ma-locate ang anumang bagay kasama rin nilang ginamit ang magnetometer.
Nagpadala naman ng remote operated vehicle (ROV) ang MV Swift Rescue ship ng Singapore para magkaroong ng visual imagery.
Unang natagpuan ang mga ilang parte ng submarine gaya ng horizontal steering anchor, exterior body, vertical steering at ilang submarine parts.
Nahati sa tatlong bahagi ang submarine sa may lalim na 850 meters.
Malaki rin ang posibilidad na naubusan ng oxygen ang lahat ng mga crew.
Magugunitang nitong Miyerkules ng mawala ang German-submarine habang ito ay nagsasagawa ng military exercise sa Bali Strait.