-- Advertisements --
NBA A

Walang balak ang pamunuan ng NBA na patawan ng parusa ang lahat ng mga NBA players, coaches at referees na lumuhod habang inaawit ang national anthem ng Amerika bago nagsimula ang pagpapatuloy ng NBA season.

Ayon kay NBA Commissioner Adam Silver, iginagalang niya ang naging hakbang ng mga players bilang bahagi ng peaceful protest sa kabila nang paglabag sa patakaran.

Una rito agaw pansin ang pagluhog ng mga Lakers team at Clippers sa pangunguna nina LeBron James, Anthony Davis at Kawhi Leonard.

Maging bago ang game ng Utah Jazz at Pelicans.

NBA B

Bahagi pa rin ito nang pagpapaabot nila ng mensahe na dapat wakasan na ang “racism” sa Amerika.

Nakasulat din sa mga t-shirts ang mga katagang “Black Lives Matter.”

Agaw atensiyon din ang nakasulat sa likod ng ilang jersey ng mga players na sa halip na apelyido ay merong salitang “equality,” “justice,” “peace,” “how many more,” “education freedom” at iba pa.

Ang naturang mga mensahe at aprubado naman ng liga bago magsimula ang NBA bubble sa loob ng Disney World sa Orlando, Florida.

“I respect our teams’ unified act of peaceful protest for social justice and under these unique circumstances will not enforce our long-standing rule requiring standing during the playing of our national anthem,” ani Silver sa statement.

NBA 1