-- Advertisements --
Surfing sa Lunad sa Balod
Surfing sa Lunad sa Balod

LEGAZPI CITY – Dagsa na ang mga turista, dayuhan man o lokal sa bayan ng Gubat, Sorsogon upang mapanood at makadalo sa Lunad sa Balod surfing competition na bahagi ng nagpapatuloy na Kasanggayahan Festival 2019.

Nagsimula dakong alas-9:00 ng umaga ang kompetisyon sa Buenavista Surf Camp kung saan kasali ang nasa 20 surfers.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PMaj. Baltazar Valenzuela, hepe ng Gubat Municipal Police Station, hanggang sa Linggo, Oktubre 27 ang kompetisyon.

Tiyak umanong mai-enjoy ng mga ito ang malalaking alon sa Brgy. Buenavista lalo na ngayong Oktubre.

Buhay na buhay rin ang shorelines ng Gubat kahit gabi na hindi maiwasang maihambing sa isla ng Boracay, lalo na’t may mga bahagi rin na white sand.

Dagdag pa ni Valenzuela na bantay-sarado man ang seguridad ng mga bisita na karamihan ay pinipiling sa tent magpalipas ng gabi.

Samantala, magkakaroon naman ng Battle of the Bands sa Gubat ngayong Biyernes ng gabi.