-- Advertisements --
Nakapasok na sa orbit ng buwan ang ikalawang lunar exploration ng India matapos ang halos isang buwan mula noong ito ay kanilang inilunsad.
Nagsimula ng umikot ang Chandrayaan -2 sa Moon orbit nitong Martes.
Ayon sa Indian Space Research Organisation (ISRO) na nakumpleto nito ang pag-ikot ng 30 minuto.
Pinuri naman ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang nasabing mission.
Umaasa naman ito na makakalapag ang Chandrayaan-2 sa buwan sa Setyembre 7.
Inilunsad ang Chandrayaan-2 noong Hulyo 22 sa Srihakikota space station.
Inaasahan din na ang nasabing $145 million na mission ay unang makakalapag sa south pole ng buwan.