-- Advertisements --
Matagumpay na inilunsad ng India ang kanilang ikalawang lunar mission na Chandrayaan-2.
Isinagawa ang paglunsad matapos ang isang linggo ng ito ay maantala sa Sriharikota space station.
Umaasa ang India na ang kanilang $145 million mission ay unang makapagtala ng paglapag sa south pole ng buwan.
Nakarating na ang spacecraft sa orbit ng mundo at ito ay mananatili ng 23 araw bago ito magsagawa ng serye ng pag-iikot sa lunar orbit.
Kapag magtagumpay ang India ay magiging pang-apat na bansa na sila na nakalapag sa buwan.
Una kasi nagawa ito ng dating Soviet Union, US at China.
Labis ang kasiyahan ng mga nasa control room Indian Space Research Organisation (ISRO) matapos ang matagumpay na paglipad ng kanilang rocket.