MANILA – Umapaw na ang kapasidad sa mga pasyente ng Lung Center of the Philippines (LCP).
Sa isang online post, sinabi ng LCP na nasa 200% na ang bilang ng mga pasyenteng naka-admit sa kanilang emergency room.
Habang 100% ang naka-admit na pasyente sa dedicated COVID-19 wards.
“We are currently not accepting walk-in and uncoordinated transfer of COVID-19 patients as well as elective surgical and non-emergency medical non-COVID patients,” ayon sa LCP statement.
Batay sa COVID-19 tracker ng Department of Health, as of April 2, okupado na ang 63 mula sa 64 ICU beds ng Lung Center.
May mga pasyente na ring naka-admit sa 40 ward beds ng ospital. Tinatayang 41 ang ward beds na inilaan ng pagamutan.
Habang puno na ang kanilang 10 isolation beds.
Nasa 22 naman ng kabuuang 62 mechanical ventilators ang ginagamit.
Pinapayuhan ang mga magpapa-konsulta na tumawag sa kanilang concierge number na 8924-6101 local 1156. Bukas daw ang linya mula Lunes hanggang Biyernes, nang alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.
Maaari rin daw mag-text sa numero ng iba pang opisyal ng ospital.
- OPD Service Patients: 0977-768-8732 (look for Ms. Danica Prado
- Doctor’s Clinic Private Patients: 0961-696-5062 (look for Ms. Glaiza Luminta)
- Pedia (Private Clinic & OPD Service Patients): 0995-301-5248/0917-591-3339 (look for Ms. Joann Clareto)