Ipinagmalaki ng lungsod na Maynila na umabot na sa isang milyon na mga residente nila ang kanilang nabakunahan na laban sa COVID-19.
Ayon sa Manila Public Information Office na sa kabuuang 1,001,060 ay mayroong 667,439 dito ang naturukan na ng dalawang doses ng bakuna o mga “fully vaccinated” na.
Dahil dito ay pinasalamatan ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga health workers ng lungsod at sa anim na pagamutan na kanilang nasasakupan dahil sa mabilis na nakamit nilang bilang.
Kasama rin na pinasalamatan ng alkalde ang mga residente ng lungsod dahil sa tiwala sa vaccination program ng lungsod.
Bukod sa anim na pagamutan ay mayroong 19 na paaralan at apat na malls ang ginawang vaccination sites ng lungsod .
Magugunitang kamakailan ay nailunsad ng lungsod ang 24/7 na vaccination drive ng lungsod.