DAVAO CITY – Inamin ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na nangangailangan ngayon ang lungsod ng dagdag na mga swabbers.
May kaugnayan ito matapos sinabi ni Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na nagkulang na ngayon ang swabbers sa lungsod dahil karamihan sa mga ito ay umalis na rin sa kanilang trabaho.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng recruitment ang Human Resources Management Office (HRMO) kung saan nasa 30 na mga swabbers ang kinakailangan.
Maliban sa mga ito, nangangailangan rin ngayon ang siyudad ng mga doktor na kakailanganin sa bawat vaccination team.
Una ng humiling ang Mayor sa mga doktor at swabbers na magbigay ng kanilang serbisyo hanggang sa Disyembre 31 kasabay ng pangako na babayaran ang mga ito gaya ng testing, tracing, isolation, quarantining at vaccination.
Samantalang una ng sinabi ni Mayor Inday na posibleng ibalik ang pagpapatupad ng Food and Medicine pass sa lungsod.