-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng lokal na pamahalaan ng Makati City ang matagumpay nilang pagkakaabot sa kanilang target na 80% revenue ngayong taon.

Ayon kay Makati City Mayor Abigail Binay ang kabuuang revenue na nakolekta noong Abril ng kasalukuyang taon ay pumalo ng P14,764, 700, 267.

Sinabi niya na ang bulto ng mga kita ay nagmula sa mga lokal na kita, na kinabibilangan ng P8.2 bilyon na buwis sa negosyo at P5.2 bilyon sa buwis sa real property.

Ayon pa kay Binay na ang kita mula sa business taxes ay kumakatawan sa 81 percent ng target nitong taon, habang ang revenue para sa real property taxes ay nasa 107 percent na ng target collections.

Noong nakaraang taon, nalampasan ng Makati ang target nitong kita noong 2023 na P17.83 bilyon, na nakakolekta ng P20,051,906,452.

Punto pa ni Binay na ang Makati ay isa sa mga local government units sa bansa na hindi umaasa sa revenue allotment mula sa national government.