Nakapagtala ng record ang lungsod ng Maynila matapos na umabot sa 25,000 katao ang kanilang naturukan ng COVID-19 vaccines sa isang araw.
Ayon sa Manila Public Informationa na nitong nakalipas na Hunyo 14 ay mayroong 25,668 na katao ang kanilang nabakunahan.
Nahigitan nila ang nagdaang bilang na 21,824 noong Mayo 29.
Mayroon ding 10,439 katao na nakatanggap ng second dose na may mga comorbidities.
Umaabot din sa 10,165 na mga economic frontliners ang nakatanggap na ng kanilang unang dose ng COVID-19 vaccine.
Sa pinakahuling pagtaya ng Manila City government mayroong 255,791 indibidwal ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng bakuna habang mayroon 124,364 ang naturukan na ng 2nd dose ng bakuna.
Sa kabuuan mayroon ng 380,155 bakuna ang naipamahagi.