-- Advertisements --

Tiniyak ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na handa sila sa pagkalat ng virus lalo na ang mas nakakahawang Omicron coronavirus variant.

Sinabi nito na mayroong silang nakaimbak na mga gamot gaya ng mulnopiravir, remdesivir, baricitinib at tocilizumab.

Mayroon na rin silang inorder na mulnopiravir noong Disyembre at inaasahan na darating ito ngayong Enero.

Mayroon na rin daw silang nakareserbang mga oxygen tanks kung kinakailangan.