Muling nanguna ang lungsod ng Muntinlupa sa pagiging competitive city nito.
Kinilala ang Muntinlupa bilang Top 5 most highly urbanized competitive cities ng Pilipinas sa katatapos pa lamang na Philippine Creative Cities and Municipalities Competitiveness Congress.
Ang programang ito ay inorganisa mismo ng Department of Trade and Industry.
Ayon kay Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon, ipinagmamalaki nila ang tagumpay na ito ng lungsod.
Aniya, ito ay patunay na kumikilos ang kanilang lokal na gobyerno upang madala ang lungsod sa economic destination nito.
Itinuturing rin ito ng alkalde bilang isang hamon upang ipagpatuloy ang mahusay na pagtatrabaho.
Samantala, pasok rin ang lungsod sa Top 3 Most Competitive Highly Urbanized Cities sa larangan ng infrastructure at resiliency habang kabilang rin ito sa Top 6 sa larangan naman ng innovation.