Nag-alok ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay ng libu-libong trabaho para sa mga kababaihan sa pamamagitan ng “Juana Job Fair”.
Ito ay bilang pagkilala sa mga nagiging ambag ng kababaihan sa mga komunidad at bilang pakikiisa na rin sa pagdiriwang ng International Women’s Month ngayong araw.
Aabot naman sa mahigit 6,000 na trabaho mula sa loob ng bansa ang inaalok ng lungsod sa mga nais mag apply.
Kasabay nito ay nagbigay ng ang Pasay LGU ng libreng skill training at livelihood training, laboratory, medical at mayroon ding cooking contest at pa-Zumba para sa mga kababaihan na dumalo.
Nagsimula ito kaninang alas 8 ng umaga na ginanap naman sa Cuneta Astrodome
Sa isang pahayag, sinabi naman ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na ang programang ito ay bilang suporta sa mga kababaihan sa kanilang lungsod na talaga namang malaki ang papel at ambag sa bansa.