KORONADAL CITY – Nakahalf-mast sa ngayon ang bandila ng City Hall ng Tacurong para ipakita ang pakikisimpatya at pakikiramay ng buong lungsod sa pagkamatay ni Mayor Angelo “Roncal” Montilla dahil sa Covid-19.
Sa eksklusibong panayam nga Bombo Radyo Koronadal kay City Information Officer Allan Freno, nagluluksa sa ngayon ang buong lungsod at ikinalulungkot ang pagpanaw ni Mayor Montilla lalo na ng pamilya nito, kamag-anak, mga kaibigan at mga residente ng Tacurong City.
Ayon kay Freno, isang hard working public servant si Montilla at dedicated rin ito sa mga programa at proyekto para sa boung lungsod at kilala rin na isa sa mga “Early Birds” sa City Hall ng lungsod.
Dagdag pa ng opisyal, dati nang may iniindang karamdaman na Diabetes ang alkalde bago pa ito itinakbo sa bahay pagamutan dahil nahihirapan na itong huminga.
Alas 9:30 kagabi, namaalam ang alkalde dahil sa natalo ito Covid-19 sa isang bahay pagamutan sa lungsod ng General Santos .
Agad naman na isinailalim sa cremation ang katawan ng pumanaw na alkalde.
Nakatakda naman na ipasa ang naiwang posisyon at responsibilidad ng pumanaw na alkalde sa bise alkalde at kapatid rin nito na si Vice Mayor Lino Montilla.