-- Advertisements --
DOH

Binigyang pagkilala ng Department of Health – Center for Health Development ang lungsod ng Taguig para sa kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga residente ng lungsod sa ginanap na DOH’s Program Implementation Review Conferences at Local Health System Recognition: 2022 LGU Health Scorecard Implementation.

Ang LGU Health Scorecard ay bahagi ng FOURmula One (F1) Plus for Health Monitoring and Evaluation na naglalayong magtaguyod ng epektibong serbisyong medikal.

Ito rin ay nagsisilbing pangunahing kagamitan ng mga Local Government Units sa pagsusuri at pagmo-monitor sa pagsasakatuparan ng national health targets batay sa mga prayoridad na programa ng DOH.

Ipinagkaloob sa Taguig ang parangal na ito dahil sa kanilang kahanga-hangang pagpapatupad ng mga health reform strategies sa lungsod, pagbibigay ng kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga Taguigeño, at pagtulong sa pagkamit ng Universal Health Care sa Metro Manila.

Tinanggap nila City Health Officer Dr. Norena Osano, Executive Assistant for Health Dr. Cecille Montales, City Health Technical Officer Dr. Olivia Andaya, Universal Healthcare Program Manager Dr. Sherry Ann Juta-Bergado, Health Education Promotion Office Program Manager Dr. Abdul Jalili Sanday at Disease Surveillance Officer FHSIS Nurse Coordinator Richelle Timog ang naturang parangal.

Ang Taguig ay isa sa walong LGU sa National Capital Region (NCR) na ginawaran ng karangalang ito.

Nakatanggap din ang lungsod ng plaque of appreciation para sa kanilang malaking kontribusyon sa pagpapalaganap ng implementasyon ng programa at certificate of recognition para sa matagumpay na pagdodokumento at pagbabahagi ng mga mabubuting gawain sa kalusugan upang masolusyonan ang mga isyung pangkalusugan sa komunidad.

Bukod dito, isa ang lungsod sa dalawang LGU sa Pilipinas na naging bahagi ng pandaigdigang pagpupulong upang ipakita ang kanilang best practices sa National Immunization Program. Itinanghal na Immunization Champion ang Taguig dahil sa pagpapaabot ng programa sa bawat purok ng lungsod.

Dagdag pa rito, ginawaran ang Taguig City Health Office ng iba’t ibang prestihiyosong mga parangal

Sa ilalim ng transformative, lively, at caring city, hangad ni Mayor Lani Cayetano ang patuloy na pagbibigay ng kalidad na serbisyo at programang pangkalusugan para sa lahat ng Taguigeño.