-- Advertisements --

CEBU CITY – Ikinagulat ng mga residente ng Toledo, City, Cebu ang pag-ulan ng ice sa kanilang lugar sa Loray, Toledo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Nilo Marata, ang nag-upload ng video na viral sa ngayon, sibabi nito na namangha sila sa naturang pangyayari.

Inilarawan nitong parang mga holen ang mga yelo na nagbabagsakan mula sa kalangitan.

Ayon kay Mio Aguirre ng Pagasa – Visayas, ito ay isang normal phenomenon lamang na kung tawagin ay hailstorm.

Itoy’ dahil umabot sa freezing level ang naturang area kaya nagsimulang mamuo ng mga yelo sa mga ulap.

Hindi umano ito dapat na ikabahala dahil ang Pilipinas ay bihira lamang uulanin ng ice crystals o ice pellets