-- Advertisements --

Nagpatupad ng lockdown ang Xi’an City sa China matapos na makapagtala ng 52 na bagong kaso ng COVID-19.

Dahil dito ay nasa 13 milyong katao ang apektado ng lockdown.

Sa nasabing restrictions ay pagbabawalan ang mga tao na makalabas sa kanilang mga bahay.

Mayroon kasing anim na katao ang nagpositibo ng Delta variant ng COVID-19 matapos na ang mga ito ay nagbiyahe sa Pakistan noong Disyembre 4.

Sa kasalukuyan ay wala pa ring naitatala ang lungsod ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19.

Umabot na rin sa 30,000 na katao na nakasalamuha ng mga naunang nagpositibo sa COVID-19 ang nahawaan at sila ngayon ay naka-quarantine sa mga pasilidad na pag-aari ng gobyerno.