-- Advertisements --

Aabot sa kabuuang 1,416.35 ektarya ng agricultural lands ang nakatakdang ipamahagi ng Department of Agrarian Reform  sa mga magsasaka mula Cagayan Valley region.

Ito ay pakikinabangan ng aabot sa 901 Agrarian Reform Beneficiaries at sila ay pagkakalooban ng land title maging support services.

Ang naturang programa ay sa pangunguna ni Vice President Sara Duterte, Senator Imee Marcos, at DAR Secretary Conrado Estrella III ang aktibidad sa F.L. Dy Coliseum, San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Samantala, iniulat rin ng DAR na kasabay nito ay ang turn over naman ng infrastructure facilities na nagkakahalaga ng P263,800,000.

Kabilang rin dito ang pamamahagi ng farm machineries at equipment na nagkakahalaga ng P23,639,500.

Papalo sa kabuuang 1,117 certificates of land ownership award/emancipation patent ang ipapamahagi ng DAR sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino.