CENTRAL MINDANAO-Ginawaran ng Department of Interior Local Government (DILG) Provincial Office sa pangunguna ni Governor Nancy Catamco ang mga Barangay Lupon Tagapamayapa na nagtataglay ng ‘best practices’ sa paglutas ng kaso sa pamamagitan ng amicable settlement.
Ito ay ginawad sa pagpupulong ng Provincial Peace and Order Council sa pagtatapos ng taong 2020.
Sinabi ni DILG PD Ali Abdulah na layunin ng parangal ay upang kilalanin ang Barangay LGUs sa di-matawarang pagsusumikap para magkaroon ng katiwasayan sa kani-kanilang mga kinasasakupan.
Binigyang diin ni Director Ali na ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ng ganito kalaking halaga ang mga BLGU bilang pagkilala sa kanilang mabuting serbisyo sa Barangay.
Ang mga tinitingnan ng Katarungang Pambarangay evaluation na ginawa ng DILG, ay ang mga best practices ng mga barangay: pamamaraan sa mabilis na paglutas ng kaso, pagpapababa ng mga kaso, at lahat nalulutas.
Sa Brgy. Kitubod, Libungan, nilulutas na nila ang kaso sa purok level pa lamang, at hindi na pinapaabot sa Barangay kung kinakailangan.
Nakuha ng Brgy Kitubod, Libungan ang 1st runner up at tumanggap ng plaque at P150,000 cash incentive. 2nd runner up ay nakuha ng Brgy Poblacion, Pikit at nakatanggap ng plaque at P100,000, at 3rd runner up naman ay nakuha ng Brgy Kibia, Matalam na nakatanggap ng plaque at P50,000.
Samantala sa City category, nakuha ng Brgy Poblacion, Kidapawan City ang 1st runner up. Nakatanggap sila ng plaque at P150,000.