-- Advertisements --
Nakatakdang maging kauna-unahang bansa sa Europa ang Luxembourg na gawing legal ang pagtatanim at paggamit ng cannabis.
Sa ilalim ng bagong batas ang mga nasa edad 18 pataas ay papayagang gumamit ng cannabis.
Bukod pa dito ay papayagan din ang mga ito na magtanim ng hanggang apat na halaman nito sa kanilang kabahayan.
Pinababaan din nila ang mga multa sa mga maaarestong nagtataglay ng nasabing droga mula $29 hanggang $581 kumpara sa dating $291 – $2,910.
Mananatili pa ring iligal ang paggamit ng cannabis o marijuana sa mga pampublikong lugar.