Muling naglabas ng magkahiwalay na abiso ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kaugnay sa muling paglalagay sa Luzon at Visayas grid sa yellow alert ngayong Martes, Abril 30.
Sa Luzon grid, papairalin ang yellow alert mula alas 2 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon at mula alas-8 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi.
Ito ay dahil sa available peak capacity ng grid na 14,950 megawatts kumpara sa inaasahang peak demand na 13,902 MW.
Samantala, ilalagay naman sa yellow alert ang Visayas grid mamayang ala-una ng hapon hanggang 4pm at mula 6pm hanggang 7pm, at mula 8pm hanggang 9pm.
Mayroong available capacity ang grid na 2,881 MW kumpara sa peak demand na 2,580 MW.
Samantala, una ng sinabi DOE na ang unplanned power outages ngayong Abril sa mahigit 32 planta ng kuryente ay record-setting kung saan nasa 1,811 megawatts ang nawalang suplay ng kryente, mahigit doble ito sa dating average na 700 MW na nawala noong 2019 at 2023.