Muling isasailalim sa red alert status ang Luzon at Visayas Grid ngayong araw, Mayo 23, 2024, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines.
Batay sa inilabas na Advisory ng naturang ahensya, nakatakdang isailalim sa red alert status ang Luzon grid mula alas-1:00pm, at mula alas-6:00pm hanggang alas-10:00pm.
Habang ang mula alas-12nn hanggang alas-1:00pm, alas-5:00pm hanggang alas-6:00pm, at alas-10:00pm hangang alas-12:00mn ay isasailalim din ang naturang grid sa yellow alert status.
Ang mga ipapatupad na ito na yellow at red alert status sa mga transmission grid sa bansa ay dulot pa rin manipis na suplay ng kuryente dahil pa rin sa mga plantang nag forced outage, gayundin din sa epekto ng matinding init ng panahon dulot ng El Niño phenomenon.