Kapwa isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines sa yellow alert ang Luzon at Visayas grid.
Sa abiso ng naturang ahensya, mula alas-1:00pm hanggang alas-5:00pm at mula alas-6:00pm hanggang alas-10:00pm isinailalim sa yellow alert ang Luzon grid.
Ito ay matapos na kailanganing mag-forced outage ang nasa 18 power plants nito habang dalawa naman ang nagpapatuloy pa rin sa operasyon ngunit sa derated capacities lamang para sa kabuuang 1,518.9 megawatts na unavailable sa naturang grid.
Habang ang Visayas grid naman ay isinailalim sa yellow alert mula alas-1:00pm hanggang alas-8:00pm.
Ayon sa NGCP, nasa 20 power plants na nasasakupan nito ang nag-forced outage, habang siyam naman ang patuloy operasyon ngunit sa derated capacities lamang para sa kabuuang 604.4 megawatts na unavailable para sa naturang grid.
Matatandaan na ang yellow alert ay inilalabas ng NGCP sa tuwing nagkukulang ang operating margin para makamit ang pangangailangan ng contingency requirement ng isang transmission grid.