-- Advertisements --
Muling isinailalim sa Yellow Alert ang Luzon at Visayas Grid ngayong hapon.
Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines sa kanilang inilabas na abiso ngayong araw.
Ayon sa ahensya, ang muling pagsasailalim sa naturang alerto ay dahil na rin sa manipis na suplay o reserba ng kuryente.
Narito naman ang oras ng naging pagpapatupad ng Yellow Alert sa nasabing mga grid.
Luzon Grid
1:00PM-4:00PM
7:00PM-10:00PM
Visayas Grid
2:00PM-4:00PM
6:00PM-9:00PM
Ayon sa NCGP, ito ay dahil na rin sa muling forced outage ng ilan sa kanilang mga planta at ilan sa mga ito ay kapos sa kapasidad.
Batay sa datos, as of today, aabot sa 14,687 megawatts ang available capacity para sa Luzon Grid habang 2,933 MW naman sa Visayas Grid.