-- Advertisements --
Inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon at Visayas grid sa yellow alert ngayong araw ng Miyerkules.
Ipapairal ang yellow alert sa Luzon grid mula 1pm hanggang 11pm.
Ayon sa ahensiya, ang 18 power plants na nasa forced outage habang ang 3 iba pa ay hindi naabot ang expected capacity kung saan nasa 1,969.3 megawatts ng suplay ng kuryente ang hindi available sa publiko.
Samantala ang Visayas grid naman ay nasa yellow alert mula 1pm hanggang 10pm.
Sa rehiyon, nasa 13 power plants ang nasa forced outage habang 5 iba pa ang nasa derated capacities, kayat nasa 698 MW ang hindi available na suplay ng kuryente para sa mga konsyumer.