Muling nag-abiso ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na muling ilalagay sa yellow alert ang Luzon at Visayas grid ngayong araw ng Lunes dahil hindi pa rin available hanggang sa ngayon ang mahigit 30 planta ng kuryente.
Base sa inilabas na abiso ng ahensiya kaninang umaga, itinaas ng grid operators ang yellow alert status sa Luzon mula 2pm hanggang 4pm.
Ayon sa NGCP, umaabot sa 2,040 megawatts ang hindi available ngayon sa rehiyon matapos mag-force outage ang 19 na planta habang nasa 4 naman ang nasa derated capacity.
Ang Visayas grid naman ay ilalagay sa yellow alert mula mamayang ala-una hanggang alas-9 ng gabi.
Ayon sa grid operator, nasa 553.4 megawatts ang hindi available sa Visayas grid dahil nasa 14 na planta ang offline habang ang 7 iba pang planta ay nasa derated capacity.