-- Advertisements --
Isasailalim ang Luzon grid sa yellow alert mamayang hapon at gabi dahil pa rin sa forced outage at derated capacity sa ilang mga planta base sa abiso mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ipapaira ang yellow alert sa grid mula alas-2 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon at mula alas-7 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi.
Ayon sa kompaniya, nasa derated capacity ang Masinloc 1, Calaca 2, at Ilijan A power plants,Quezon Power (Philippines), Limited Co., Pagbilao 2, at Sual 1 plants gayundin unavailable ang Angat Main dahil sa mababang antas ng tubig.
Ang available capacity naman sa grid ay nasa 14,080 MW at inaasahan ang peak demand sa 12,951 MW.
Samantala, nananatiling nasa normal condition namana ng Visayas at Mindanao grids.